Sunday, April 25, 2010

SA LANG NAKILALA (new version)

Isip ko`y litong lito
sa net ay ika`y inibig ko
kahit di pa kita nakikita
puso ko`y bihag mo
Sa sandaling ka chat kita
anong saya aking nadarama
dalangin ko na sana`y online ka
upang ika`y makasama

chorus

Kahit sa letrato lang kita nakita
at sa chat lang kita nakilala
sa sandaling kasama ka
puso ko ay maligaya
at nang ikaw ay lumisan aking sinta
puso ko`y lumuluhat nagdurusa
sana naman ay bumalik ka
pagkakaingatan ko na

Noong una kitang masilayan parang mundo ko'y tumigil
Para bang nasisiraan tila ayaw ng papigil
ang puso kong ito na saiyo agad ay nabighani
Pinangarap na sana balang araw ay ika'y maging honey
sa aking mga sinasabi sana ikaw ay maniwala
at wag mo sanang isipin gusto ko lang manggambala
ang tula ko na isinulat ay sa iyo ko lang inaalay
para saiyo ay pagiipunan ko ano mang gusto mong bahay

Kahit na sa chat lang tayo nagkakilala
di man kita nakakausap ng malapitan at makasama
pero alam mo ba mahal na kita wag ka sanang magtaka
ng dahil sa kabaitan mo at sa taglay mong ganda
tila ba parang sampung pana ang tumama saaking nguso
lagi kang bukang bibig sinisigaw ng aking puso
kaso sa tuwing wala ka, saan ka ba nagsususuot
bumalik ka na please lang ng ako'y hindi na muli pang malungkot

chorus

Kahit sa letrato lang kita nakita
at sa chat lang kita nakilala
sa sandaling kasama ka
puso ko ay maligaya
at nang ikaw ay lumisan aking sinta
puso ko`y lumuluhat nagdurusa
sana naman ay bumalik ka
pagkakaingatan ko na

.Kung pwede lang sanang tumagos sa aking kamay sa iyong isip
ako na mismo ang pupunas ng luha sa iyong pisngi
kung iyong mamarapatin nakahandang maging sandalan
'tong balikat ko at braso na di naman kalakihan
Ang problema nga lang ay di naman tayo magkalapit
at ang agwat natin sa buhay ay parang lupa't langit
Parang mahirap paniwalaan na saakin ay magkagusto ka
ni wala akong pamasahe para sayo ay makapunta

Ang tanong ng aking nanay hanggang kelan ganito
magpapakabaliw sa isang babae sa loob ng PC ko
hindi ko naman ito ginusto ipapaputol ko nalang kaya
ang aking net baka sakaling mawala kang bigla
sa aking isipan ng saganon ay malimot ka ng tuluyan
hindi ko na hihintayin akoy iyong ipagtabuyan
pero wala akong magagawa kung kasalanan kong
mahalin ka ng tapat at tunay kahit sa chat pa lang kita nakilala

chorus

Kahit sa letrato lang kita nakita
at sa chat lang kita nakilala
sa sandaling kasama ka
puso ko ay maligaya
at nang ikaw ay lumisan aking sinta
puso ko`y lumuluhat nagdurusa
sana naman ay bumalik ka
pagkakaingatan ko na

No comments:

Post a Comment